Friday, October 12, 2007

college life????

"College Life".Hai eto nanaman ang panibagong chapter ng life ko.masasabi kong ibang-iba talaga to sa high school life. siguro may mga pagkakapareho pero sa tingin ko mas masaya ang high school life kaysa ngayon. tanging napifeel ko lang ay sobrang boring pala mag-college.
siguro kaya ko lang nasabi na boring kasi wala ng gimik di tulad ng dati high school pa ko.
Bagong kaibigan,bagong environment,at bagong kalokohan. Hindi madaling maka-move on sa pagiging high school.Kasi sa high school pwede yung pa easy-easy lang, pero sa ngayon college na ako parang hindi ko na magagawa iyon. Medyo mahirap talaga mag-college lalo na ngayong finals at matatapos na ang semester. Sobrang daming projects lalo na yung case study.
Sa college maraming dapat ibasura, katulad ng katamaran,pangongopya.(hehenatural lang naman yung nangongopya di ba???). Pero kahit ganun okay lang naman kasama lang talaga yon sa buhay ng tao.
Sa college laging my kasamang desisyon everywhere, anywhere you go you need to decide because you need to waist your time sa mga makakabuluhang bagay. Kahit ganun, ganun talaga yon.(hehe). Ithank god kasi nakatung-tong ako sa stage na to'.

1 comment:

maimbenta said...

di naman ah..masaya naman paminsanminsan,okey nga eh kasi may mga friends akong tulad mo..ang tipid mo naman..